Written
by bike_packer on Mar 1, 2006. Photo of the 70s Bistro facade is his,
too.
70s
Bistro in QC, I attest is the Best Place to watch and enjoy the
country's Top Local Bands as well as solo artists. Rock, Folk, Reggae,
Alternative, World Music. This is the place to have a real feel
of the local music scene. (I am sorry but no Pop or Top 40 music
here.) The performers are guaranteed to play soulfully their pieces
here - believe me. Every band that gone mainstream most probably
traces their roots at 70s Bistro. You really feel the performers
gamely interacting (or in a more appropriate word - "jamming")
with the audience as if it was just an ordinary party of friends.
"Everybody let their hair down."
The
best names in the folk-rock musical scene performs here - The Jerks,
Noel Cabangon, Joey Ayala, Gary Granada, Asin , Kamikaze, Cooky
Chua, Pinikpikan, Tropical Depression and many more. What we truly
love and enjoy to the fullest performing here is the country's most
favorite, ever-enduring, coolest and best band - PAROKYA ni EDGAR!
Before
I forget, they serve good appetizers here that go with that comfortably
numbing bucketful of cold San Miguel Beer (P35 a bottle). Worth
trying - Sisig, Calamares, Lollipops, Crispy shrimps and Dilis.
(P150 per serving). P100 Cover Charge.
Theme:
Live Music
Dress Code: Wear something that
might be comfortable and easy whenever you feel like dancing to
the rhythm. Happy hour starts at 9PM till the performers run out
of energy. Hahaha! I mean by 2AM, everybody (that includes the performer)
had their enough shot of numbing intakes to call it a Good Night!
Peace!!!
Phone: (02) 4343597
Address: #46 Anonas St. Proj.
2, Quezon City
Directions: 45 minutes from
Makati. 1 hour from Manila. 15minutes from Cubao.
FROM
A DISTANCE
Buhay pa pala ang Bistro
70s
Jose Torres Jr / MindaNews / 27 July 2002
LUNGSOD
NG QUEZON -- Napasyal ako nitong Huwebes sa Bistro 70s, ang maliit
na tambayan ng mga "baliw" sa kalye Anonas sa Lungsod
Quezon.
"Buhay
pa pala ito," sabi ko sa sarili.
Buhay
pa pala ang lugar na pinaghubugan ko noon ang mga pangarap -- magsulat,
tumula, mamundok, makibaka at umibig -- habang tumutungga ng malamig
na serbesa at nakikinig ng mga awitin ng Grupong Pendong at The
Jerks.
Buhay
pa pala ang Bistro 70s, saksi ng mga lambingan at tampuhan ng mga
aktibistang karamihan galing Minda, debate ng mga kadreng napasyal
sa siyudad, protesta laban sa pamahalaan at hatian sa kilusang komunista
mahigit sampung taon na ang nakalilipas.
Matagal
na rin pala akong 'di napasyal sa Bistro 70s, kasing tagal na yata
mula nang huli akong magsulat sa wikang pambansa at sumubok na maghabi
ng mga salita.
Napasyal
ako sa Bistro 70s nitong Huwebes at muling nanariwa sa isipan ang
mga nakaraan, ang panahon ng mga pag-aalinlangan, pagbabakasakali
at paglalakas-loob. Muling nanariwa ang mga huntahan, mga debate
at paglalagom.
Mga
bata na ang mga mang-aawit na nakita ko nitong Huwebes sa Bistro
70s. 'Di ko na nakita sila Pendong Aban at asawang si Chat na silang
boses ng Grupong Pendong. Wala rin si Noel Cabangon. Nandoon si
Bayang Barrios pero nakaupo na lang sa gilid kasama ang pintor na
si Boy Dominguez. Marami na ang mga bagong mukha. Tila marami na
rin ang nawawala sa mga luma.
Habang
tumutungga ng serbesa at pinupulutan ang saliw ng mga makabagong
awitin ng Session Road, nakita ko ang dalawang dating kasama --
isang dating mataas na kadre ng Partido Komunista ng Pilipinas sa
Visayas at isang dating mataas na opisyal ng Christians for National
Liberation ng National Democratic Front. Pareho na silang umalis
sa kilusan, naging presidente ng isang unibersidad ang paring si
Toots at "racketeer" naman daw si Lito ngayon.
At
sabi nga ng kanta, "We talked about the revolution." Pinag-usapan
namin ang kilusan na minsan naming hinandugan ng panahon at talino,
sa kaunting mayroon kami noon. Ginunita ni Lito ang pagkilos niya
noon sa kanayunan. Si Toots naman ang pag-organisa niya noon sa
mga lugar ng mahihirap sa Kamaynilaan. Tila walang katapusan ang
kwentuhan, hanggang magtanong ako kung nabasa na ba nila ang aklat
ni Bobby Garcia, isa pang dating kasama.
Lumungkot
ang mukha ng dalawa.
"Nagkamali
tayo," sabi ni Toots.
"Pero
tama naman ang feeling natin sa ginawa natin noon, di ba?"
sagot naman ni Lito.
"Wala
tayong ipinagkaiba sa mamang namugot ng ulo dahil tinakot ng Abu
Sayyaf," dagdag ko naman.
Malungkot
ang librong "To Suffer Thy Comrades" ni Robert Francis
Garcia o Bobby sa kanyang mga kakilala. Tungkol ito sa pagpupurga
ng kilusang komunista noong dekada 80.
Inakala
ng pamunuang rebelde noon na malalim na ang impiltrasyon na nagawa
ng militar sa kilusan Nagdesisyun itong maglinis ng hanay. Marami
ang nabiktima. Marami ang namatay. Marami ang napahiya at tila marami
na rin ang nakalimot.
Salamat
sa serbesa at tugtugin ng mga bata, nanumbalik ang mga gunita.
Buhay
pa pala ang Bistro 70s at magsasampung taon na ito. Matagal na akong
hindi nakabalik dito. Nang dumalaw akong nitong linggo, hindi ako
nagulat dahil tila walang nagbago. Mainit pa rin ang mga awitin,
madilim pa rin sa mga sulok, tumutumba-tumba pa rin ang mga mesa
at upuan, mausok pa rin, kahit medyo lumuwang ng konti ang tanghalan,
marami pa rin ang nananaginip na gising at, higit sa lahat, malamig
pa rin ang beer.
Kung
makakapagsalita lang sana ang dingding, kinantiyawan na sana kaming
tatlo ni Toots at Lito. Sasabihin nito, "Hoy, ang tatanda n'yo
na, ang senti n'yo pa rin!" At kung makakaluha lang sana ang
kisame, ibinuhos na siguro nito sa amin ang mga dalamhati na nasaksihan
nito sa mga babaeng napangakuhan, mga kasamang naiwanan at mga waiter
na natakbuhan ng kostumer.
Madaling-araw
na nang umalis kami sa Bistro, tahimik na ang gitara, wala ng tao
sa kalsada at mainit na ang serbesa. Maghihiwalay na naman ng landas
ang dating mga magkakasama. Kanya-kanyang abot na lang kami ng tarheta,
tila ba may panahon pa sa iba't ibang mundo naming na magkakatawagan
pa.
Hanggang
sa susunod na pagbisita sa Bistro 70s, sa tambayan ng mga "baliw."
(Ang
MindaViews ay ang seksyon sa opinyon ng MindaNews. Ang journalist
na Si Jose Torres, Jr. ay taga-Mindanao pero nagtratrabaho ngayon
sa Lungsod ng Quezon. Siya ang may-akda ng aklat na 'Into the Mountain,
Hostaged by the Abu Sayyaf.")
|